DOH, may paalala sa mga residente sa Visayas matapos ang #KanlaonVolcano eruption

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga residenteng malapit sa Mt. Kanlaon mula sa mga panganib ng eruption sa kanilang kalusugan.

Paalala ng DOH – dapat ay ugaliing magsuot ng face masks para maiwasang malanghap ang mapanganib na ibinuga ng Bulkan.

Dapat din umanong isara ang mga bintana at iwasan ang mga gaps para ‘di makapaso kang ash at toxic gases sa mga tahanan.

Hindi rin ina-advise ang pagsusuot ng contact lenses at kung maaari ay magsuot ng safety glasses.

Para naman sa mga mayroon nang hika – dapat ay tiyaking mayroon silang naka-standby na gamot at iba pang medication.

Sa huli – ang sino mang makaranas ng hirap sa paghinga ay dapat magpakonsulta kaagad sa doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *