Isang motorista, sugatan matapos sumalpok sa isang e-jeep sa Tayabas City

Nagtamo ng mga sugat ang isang motorista matapos sumalpok ang minamaneho nitong motor sa isang E-jeep sa Brgy. Camaysa, Tayabas City nitong Linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena sa BFP Tayabas, bandang alas-2:45 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag patungkol sa isang aksidente at agad naman nitong nirespondehan ang drayber ng motor.

Samantala, nagkaayos naman na ang dalawang panig at nagpaalala naman ang BFP Tayabas sa mga motorista na palagiang magsuot ng helmet upang mas maproteksyonan ang sarili sa mga mangyayaring aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *