“Oplan Yawyaw laban sa Covid-19” sa Surallah, nagpapatuloy

KORONADAL CITY — TULOY ang monitoring at paalala ng mga otoridad sa sinomang lumalabag sa health protocols laban sa Covid-19 sa bayan ng Surallah.

Ito ang kinumpirma ni PLt. Col. Jomero Sentinta, hepe ng Surallah PNP sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Sentinta na sa ngayon, may mga nahuhuli pa rin silang hindi nagsusuot ng facemask. Sakali umanong maaktuhang walang facemask, binibigyan nila ang mga ito kasabay ng pagpapa-intindi ng kanilang Information at Education Campaign o IEC laban sa Covid-19.

Kaugnay nito, nagpapatuloy din umano ang kanilang ginagawang “Oplan Yawyaw” na nagpapa-alala sa publiko sa sakit na dala ng virus sakaling mahawa.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nagpapatuloy din umano ang kanilang pag-iikot sa mga barangay na isa sa mga target ng kanilang opisina upang mapanatiling tahimik at mapayapa ang buong bayan.