Comelec So.Cot nanawagan sa mga kandidato na tanggalin na ang kanilang campaign posters


KORONADAL CITY- NANANAWAGAN si South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Myla Luna sa mga kandidato na tanggalin na nag kanilang mga campaign posters.
Ayon kay Luna na wala na silang Operation Baklas at obligasyon na aniya ng mga kandidato, nanalo man o natalo, na baklasin ang kanilang ikinabit na mga posters at mga campaign materials pagkatapos ng halalan.
Nagpalabas na rin ng kautusan ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga LGU at mga kandidato sa pagdispose ng mga campaign waste materials sa kanilang lugar sa loob ng tatlong araw.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol
Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan