So.Cot patuloy na tumatanggap ng application para sa Kabugwason grant-in aid program

KORONADAL CITY- NASA 300 scholarship slots ang maaaring aplayan ng mga estudyante sa ilalim ng Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant-in Aid Program o KPSGIA ng provincial government ng South Cotabato.

Ayon kay KPSGIA Unit Head Atty. Rhonalyn Gallego na ang grant-in aid program ay bukas sa mga kasalukuyang enrolled sa kolehiyo o nasa 2nd year college pataas na walang anumang scholarship grant, at sa mga kumukuha ng law at medicine.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Inihayag ni Gallego na ang mga grantees ay makakatanggap ng educational assistance na tig P 10,000 per semester, P 15,000 sa law at P 20,000 naman sa mga medicine students.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nasa P 8 million ang pondo ng probinsya para sa grant-in aid program ngayong school year.

Sa mga interesadong mag-apply at para sa dagdag na impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa KPSGIA Office sa 09319745315 o sa 228-2631.

Ang dealine ng application ay itinakda sa June 15, 2022.