Operasyon ng Manila Central Post Office, inaasahang balik normal ngayong araw

Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng Manila Central Post office ngayong araw makaraaang masunod noong Linggo ng gabi.

Sa laging handa public briefing, sanabi ni Postmaster General Luis Carlos, tinututukan na nila ang agarang pagbabalik ng kanilang mga responsibilidad sa publiko.

Read More:  Davao Region outpaces national economic growth at 5.1%

Kalahati na rin aniya ng kanilang operasyon ang naibalik na.

Nakalipat na rin ang lahat ng kanilang letter courier sa foreign service distribution center habang ang corporate side naman nila ay nakalipat na rin sa kanilang central mail exchange sa airport road.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Nakikipag ugnyan na rin sila  sa central mail exchange office para sa inventory ng mga sulat, parcel at id na kasamang natupok sa kanilang gusali.//CA