Pag recant ng 4 sa Degamo slay suspects, hindi makakaapekto sa kaso – DOJ

Hindi pa umaabot sa DOJ panel of prosecutors ang kopya ng pag recant ng mga sinumpaang salaysay ng apat sa mga suspects sa Degamo slay case.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Dadullon, karapatan ninunman ang pagbawi ng sinumpaang salaysay tulad na lamang ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo gayung may sarili na silang abogado.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Paliwanag pa ni Dadullon, hindi makakaapekto sa itinatakbo ng kaso ang pag kambyo ng mga ito lalo pa’t naniniwala siyang matibay ang mga hawak na ebidensiya ng DOJ kahit pa may umatras o nagbago ng kanilang salaysay.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

May posibilidad din aniyang masira ang kredibilidad ng mga suspek dahil sa pabago-bago nilang sinumpaang salaysay.//CA