Coco Martin, kinumpirma ang 12-yr relationship kay Julia Montes

Kinumpirma na kahapon ni Coco Martin ang kanyang relasyon kay Julia Montes.

Ginawa ni Coco ang rebelasyon sa isang panayam kasama si Julia, kung saan tinanong ang dalawa tungkol sa status ng kanilang pag-iibigan.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Sabi ni Coco, pinili niyang gawing pribado ang relasyon kay Julia sa loob ng 12 taon.

Ibig sabihin, nagsimulang mag-date ang celebrity couple noong 2011.

Read More:  Joshua Garcia proves love and showbiz can coexist

Bagama’t hindi ibinunyag ng dalawa kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan, una silang nagkatrabaho sa 2012 na teleseryeng “Walang Hanggan” at nagbida sa pelikulang “A Moment in Time” makalipas ang isang taon.//CA