Online application para sa educational assistance sarado na ayon sa DSWD

Inanunsiyo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo na sarado na ang kanilang online application para sa gustong makakuha ng educational assistance.

Ayon kay Tulfo hindi na kaya ng kanilang server na tumanggap nang iba pang online application matapos maabot ang nasa 2 million na applicant na gustong makatanggap ng ayuda.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Paliwanag ng kalihim na medyo may kalumaan na ang kanilang server at aminado itong kailangan na ring palitan.

Tiniyak naman ni Tulfo na gumagawa na sila ng paraan para matulungan din ang mga estudyante na bigong makapag-register online sa ilang kadahilanan katulad na yung mga nasa isolated areas at yung mga walang kakayahan mag-online.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa ngayong sinabi ng DSWD Secretary na pagtutuonan nila ng pansin na mabigyan ng ayuda ang nasa 2-million applicants na nakapag-register sa kanilang server.