Pagkakaroon ng isang terminal sa lungsod ng Sorsogon, laman ng ordinansa kaugnay ng paggamit ng SITEX

SORSOGON CITY – Isa lang dapat ang terminal sa lungsod ng Sorsogon.

Ito ang nakapaloob sa ordinansa na binuo tungkol sa paggamit ng SITEX.

Sa pahayag ni Committee on Transportation Chairman City Councilor Danilo Deladia, sinabi nito na hangga’t hindi pa ito naaprubahan ay SITEX lamang ang puwedeng gamiting terminal at wala nang iba pa.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon dito, kung hindi umano ito susundin ng mga transport group sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng napagkasunduang halaga na dapat bayaran sa SITEX ay walang ibang pagpipilian ang mga ito kundi ang humanap ng ibang terminal subalit dapat ay sa labas ng lungsod.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, dahil nga hindi pa naaprubahan ang nasabing ordinansa ay status quo muna ang iniimplementa sa paggamit ng SITEX na nagiging dahilan naman ng iringan sa pagitan ng bagong pederasyon na Sorsogon Federation of Transport Cooperatives at nang SORINTRAFED.