P58-B halaga ng land amortization fees at interes ng mga magsasaka hindi na sisingilin – DAR

Wala nang balak ang Department of Agrarian Reform (DAR) na singilin pa ang nasa mahigit 58-billion pesos na land amortization fees at interests ng magsasakang kabilang sa mga agrarian reform beneficiaries.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Condrado Estrella III ito ay alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na maibsan ang dinaranas ng mga magsasakang baon sa utang.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sinabi ni Estrella na may 650,000 magsasaka at agrarian reform beneficiaries ang makikinabang sa panukalang condonation.

Nilinaw naman ng Agrarian Reform chief na hindi makakaapekto ang condonation program sa gross domestic product (GDP) ng bansa.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Magugunitang sa unang State of the Nation Address, hiniling ni Marcos sa Kongreso na magpasa ng batas na mag-aamyenda sa Section 26 ng Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1998.

Sinabi ng Pangulo na ang batas na ito ay magpapalaya sa mga agrarian reform beneficiaries mula sa pasanin sa utang.