ONE Women’s atomweight champ Fairtex vs PH’s Denice Zamboanga – kasado na?

Nakatanggap ng pagbati ang Filipina contender Denice ‘The Menace’ Zamboanga mula kay reigning ONE women’s atomweight world champion Stamp Fairtex matapos niyang manalo laban kay Noelle Grandjean sa ONE 167.

Ayon kay Stamp, inakala niyang agad na matatapos ang laban sa isang knockout dahil matagal ang naging pagsasanay ni Denice para sa laban na ito.

Hinangaan din niya umano si Noelle dahil sa magandang laban na ibinigay nito kahit dalawang linggo lamang ang panahon ng kanyang pagsasanay para sa kompetisyon.

Tiniyak naman ni Stamp kapag nagkaharap na sila ni Zamboanga sa ring ay nasa kundisyon na siya.

Sabi ng Thai champion, magre-recover lang siya at magpapalakas para depensahan ang kaniyang belt laban sa Pinay contender.

Mababatid na magkasamang nagsanay sina Stamp at Zamboanga sa Bangkok, Thailand para sa paghahanda sa MMA world championship. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *