Mataas na produksyon ng yelo at dagdag na processing plant, tinitingnang solusyon ng BFAR-Bicol sa oversupply ng ‘lawlaw’

Target ng BFAR-Bicol na mapataas pa ang produksyon ng yelo at cold storage at dagdag na cannery sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Ito ang ilang solusyon na nakikita ng nasabing ahensya sa oversupply ng ‘lawlaw’ o tamban sa nasabing bayan.

Mababatid na ang sardinella o tamban ay endemic sa baybaying tubig ng Bicol at Samar. Ang Bulan, isang coastal municipality ay kabilang sa fisheries management area, kung saan ang sardinas, gaya ng lawlaw ay napakarami sunod sa Zamboanga peninsula.

Ayon pa sa nasabing ahensiya, ang Bulan ang may pinakamaraming huli ng tamban sa buong rehiyon. Tuwing peak season umaabot umano sa 20K metric tons ang nadidiskarga ng mga mangingisda sa nasabing bayan.

Samantala, matagal nang nilinaw ng Phil Fisheries Development Authority Bulan Fish Port na bukod sa peak season ay ang pinapatupad na ‘stop buying’ ng mga pagawaan ng sardinas sa Metro manila ang isa pang dahilan kung bakit bumabagsak ang presyo at nagkakaroon ng over-supply ng tamban.

Nangyayari din umano na hindi naaabisuhan ang mga mangingisda tuwing may ‘stop buying’ kung kaya’t pumapalaot ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *