Concert ni Taylor Swift – muling nag-trigger ng lindol

Muling nag-trigger ng lindol ang concert ng multi-Grammy awardee na si Taylor Swift.

Sa ulat ng British Geological Survey – nakapagtala sila ng seismic activity sa kaniyang mga Eras Tour Concerts sa Scotland.

Maaaalalang umabot sa humigit 70,000 ang attendees sa naturang concert.

Hindi na ito ang bago sa mga concert ni Taylor, dahil sa isa pa niyang performance noon sa Seattle at Los Angeles – nag-trigger din ng lindol ang sayawan, pagtatalunan, at paghihiyawan ng fans ng hanggang sa magnitude 2.3 na lindol. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *