LEGAZPI CITY – Nanindigan ang Commission on Higher Education (CHED) Bicol na wala pang magaganap na on the job training sa mga estudyante ng State University and Colleges ngayon second semester.
Ayon kay Dr Pamela Viñas focal person ng vaccination at CHED Bicol, wala pang pinayagan na SUC’s na magkaroon ng ojt ang mga mag-aaral, dahil sa hindi pa nakakapagsumite ng self assessment checklist at affidavit of under taking sign by president o head of institution ang mga ito.
Ito ay base sa inilabas na General Circular 2021-004 patungkol sa pagbubukas sa lahat ng mga campuses na pinapayagan na magkaroon ng limited face to face classes.
Dahil sa wala pang campuses o suc ang nagbibigay ng panibagong requirements ay hindi rin magkakaroon ng face to face classes at OJT ang mga mag-aaral.
Tanging ang nakapagbigay pa lang ng requirements ay ang Sta Elena Camarines Norte College, STI Legazpi at Holy Rosary Major Seminary Naga City.
Hindi na tatanggapin ng tanggapan ang ibibigay na requirements ng sucs kapag hindi tugma sa inilabas na General Circular no. 2021-004.
Sinabi ng opisyal, ang health programs lamang ang nagsasagawa ng OJT dahil sila ang unang pinayagan na magsagawa ng limited face to face classes.