Suspendido ang limited face to face classes at on the job training ng mga estudyante sa Bicol University

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng State University and Colleges (SUC) Pres. Arnulfo Mascariñas ng Bicol University na suspendido muna ang ginagawang limited face to face classes at On the Job Training (OJT) ng mga mag-aaral.

Ayon kay Pres. Mascariñas, sa pagpupulong nito sa Commission on Higher Education (CHED) central office na naglabas ng advisory na kailangan itigil muna pansamantala ang face to face classes at OJT na mangyayari ngayon buwan ng Enero ng nga estudyante.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Posible umano magtagal ang suspension sa katapusan ng buwan ng Enero subalit magdedepende pa rin ito sa lugar ng covid 19 situation.

Ayon pa dito, ang National IATF experts na rin ang nagsasabi na maaaring bumababa ang covid 19 situation sa mga lugar sa buwan ng Pebrero.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dahil dito nagpatupad ng alert level 3 status sa mga lugar na matataas na kasong covid 19.

Samantala, magkakaroon ngayon araw ng pagtitipon ang opisyal ng Bicol University para pag-usapan ang patungkol sa suspension rin ng limited face to face classes at OJT ang mga nasa health programs.