LEGAZPI CITY – Epektibo sa Enero 14 hanggang sa Enero 31 sa taon 22 ay magsisimula na umano ang bagong restrictions na ipapatupad sa Lalawigan ng Albay at Camarines Sur.
Ayon kay Atty. Anthony Nuyda, ang Regional Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol, muling maghihigpit ang Albay at Camarines Sur sa bagong restrictions na ipapatupad nito matapos mailagay sa alert level 3 status ang nasabing mga lalawigan.
Aniya, ang National Inter Agency Task Force (IATF) ang nagrekomenda nito dahil sa nakalap nitong impormasyon o datus mula sa Department of Health (DOH) na covid 19.
Patuloy kasi ang pagdami ng nagpopositibo sa Corona Virus Disease (COVID) 19 ang nabanggit na mga lalawigan.
Lilimitahan ngayon ang paglabas ng tao lalo sa mga hindi pa bakunado at maging sa 12 anyos pababa ay hindi muna ito makakalabas ng tahanan.
Maliban pa rito, maging ang mga contact sports ay hindi na papayagan muna.
Business establishment o restaurant ay gagawin muna itong 30% capacity o maaring hindi na muna payagan, mass gatherings 30% o 50% capacity, sabong hindi na rin papayagan muna at government offices ay karamihan sa mga empleyado nito ay work from home.
Layunin nito sa bagong restrictions ay para bumaba ang kaso na nagpopositibo sa covid 19.