Northern Samar, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Enteng

Ideneklara na sa ilalim ng state of calamity ang bayan ng Allen sa Northern Samar dahil sa paghagupit ng Bagyong Enteng.

Ito ay matapos ang biglaan at malakas na buhos dulot ng Bagyong Enteng sa bawat kabahayan sa sentro ng naturang bayan at mga nayon.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ayon kay Northern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Josiah Echano, humigit kumulang 80 hanggang 90 porsiyento ng mahigit 25,000 populasyon ng bayan ang nawaln ng tirahan dahil matinding pagbaha.

Dahil dito, siniraq ng hindi inaasahang pagbaha ang mga sakahan, na siyang pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng mga residente.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Kaakibat nito, lumaganap din ang malawakang pagbaha sa bayan ng Lope de Vega kung saan halos 90% ng populasyon ang apektado, pero hindi pa nadedeklarang satte of calamity ng lokal na pamahalaan.