Bagyong Enteng – posibleng lumabas na ng PAR bukas

Posibleng lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Enteng bukas.

Sa pagtataya ng PAGASA, sa labas ng PAR region, kikilos pa-kanluran ang bagyo hanggang Biyernes.

Posible rin umanong magkaroon ito ng isa pang landfall sa vicinity naman ng southern mainland China sa weekend.

Mga ka-Brigada, maging handa – dahil inaasahang mas lalakas pa ito, at hindi pa rin nawawala ang posibilidad na maging severe tropical storm ang bagyo sa mag susunod na oras.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa kasalukuyan, huling namataan ang Bagyong Enteng sa 100 km kanluran hilagangkanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 km/hour, at bugsong aabot sa 105 km/hour.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Samantala, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa western portion ng Ilocos Norte at northern portion ng Ilocos Sur.

Signal no, 1 naman sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, northern portion ng La Union, Apayao, Kalinga, Abra, western portion ng Mountain Province, northern portion ng Benguet at western section ng Cagayan kabilang ang Fuga at Dalupiri Islands.