2 suspected mpox cases, mino-monitor sa Soccsksargen

Binabantayan ngayon ng health officials ang dalawang indibidwal mula sa magkaibang lugar sa Region 12 (Soccsksargen) na suspected na naimpeksyon ng mpox.

Sa isang media forum, sinabi ni Department of Health-12 Regional Epidemiology and Surveillance Unit chief Physician Dyan Zubelle Roquero Parayao na nai-isolate na ang dalawang pasyente.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Mayroon umano ang mga itong skin rashes, lesions, at may lagnat din.

Ayon kay Parayao, natukoy na nila ang mga tong nakasalamuuha ng dalawa bago sila dalhin sa isolation facility.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Sa kasalukuyan, mahigpit ang ginagawang monitoring sa kondisyon o kalagayan ng mga indibidwal na naging closed conatct ng suspected mpox cases.