“No to vote buying” nanatiling kampanya ng PPCRV

CAMARINES NORTE- Pinanindigan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang kampanya nitong “ No to vote buying”.

Ayon kay Marissa Bernardo, PPCRV Diocesan Lay Coordinator ng Diocese of Daet, hindi tamang katuwiran ang “Pera sa bulsa, ang Boto sa balota.”

Aniya, kung pwede ay wala daw sanang hihingi at walang tatanggap mula sa mga pulitiko o kandidato.

Sa sandali daw kasi na tumanggap ang botante ng pera mula sa kandidato kahit maliit na halaga ay lalabas na bayad ito at mali pa rin.

“Lagi naming sinasabi na no to vote buying tayo, kung pwede walang hihingi, walang tatanggap, lagi naming naririnig yung pilosopiya nung iba na ay okey lang yan tanggapin di ba yung ano, ang pera sa bulsa tapos ang boto sa balota,” ani Bernardo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

“Kahit pa sabihin natin natin na ay tatangapin ko yan tutal pera rin naman natin yan, pera yan ng taong bayan, pero hindi naman siya yung iboboto ko eh, mali pa din eh kasi once na tumanggap ka nang kahit na maliit na halaga sa isang pulitiko na tumatakbo, eh binayaran kapa rin di ba at kapag yan ay naluklok gumawa ng mga hindi maganda, wala na eh, hindi muna pwedeng kwestyunin kasi bayad ka na.”

Hinimok din nito lalo na ang mga kabataan at first time boboto na gamitin sa mabuti ang kapangyarihang bomoto.

Aniya, mahalagang pag isipang mabuti ang gagawing pagboto dahil kinabukasan ng mga kabataan at ng bansa ang nakataya.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sana rin daw ay maging mapanuri ang mga ito sa mga lumalabas at nababasa sa social media sa gitna na rin ng paglipana ng mga fake news.

“Sa mga kabataan, sana lang maging mapanuri din sila dun sa  mga nababasa natin sa social media di ba kasi ang daming fake news, hindi lahat ng lumalabas sa social media ay totoo, alam naman natin kung paano ang labanan may mga gumagamit talaga ng hindi magagandang paraan, may mga trolls so maging mapanuri.”