NMC, nanawagan sa China na bumalik sa pakikipagdayalogo para resolbahin ang maritime issue sa WPS

Hindi patitinag ang Pilipinas sa pag giit sa karapatan nito sa sovereignty, sovereign rights at jurisdiction, gayundin ang pagtatanggol sa maritime at archipelagic interests alinsunod sa international law.

Sa harap na rin ito ng nararanasang sunod-sunod na harassment mula sa China Coast Guard sa West Philippine Sea.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Sa statement na inilabas ng National Maritime Council, sinabi nilang nakaka alarma ang provocative at dangerous actions na ginawa ng China sa loob lang ng isang linggo, kasabay nito kinwestyon ng NMC ang commitment ng naturang bansa na mapahupa ang tensyon sa pinag aagawang teritoryo.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Kaugnay nito, nanawagan ang NMC sa China na bumalik sa pakikipag dayalogo para resolbahin ang maritime issue sa West Philippine Sea.