‘This is all because of Apollo Quiboloy’
‘yan ang mariing pahayag ni Senadora Risa Hontiveros kasunod ng naging ikalawang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Nakapagtala ng casualties sa nasabing operasyon kung saan isa rito ay nasawi dahil sa cardiac arrest.
Ayon kay Hontiveros, naiwasan sana ito kung simula’t sapul ay lumabas na si Quiboloy upang magsalita laban sa mga ipinupukol na akusasyon laban sa kanya.
Sa kabilang banda, matapos ang naging insidente, nanawagan sa PNP ng ‘maximum tolerance’ ang senadora upang matiyak na wala ng inosenteng mamamayan ang maapektuhan o masasaktan sa proseso ng pagdakip kay Quiboloy.
Muli na naman din siyang nanawagan kay Quiboloy na humarap na upang matigil na ang kaguluhang ito.