Shiela at Casandra – nasa Senado at Kamara na

Nai-transfer na ngayong tanghali ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Senado ang kustodiya ng sinasabing kapatid ni Alice Guo na si Shiela Guo.

Ito ay matapos ang naging inquest proceeding nito sa NBI pagkatapos silang ibalik sa bansa ni Cassandra Li Ong ng Indonesian authorities.

Bilang protocol, pagdating ni Sheila sa detention facility ng Senado ay isinailalim muna siya sa medical screening.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, makakalaya lang mula sa detention si Sheila kung ito ay irekomenda ng komite ni Senadora Risa Hontiveros pagkatapos ng gagawing pagdinig bukas at kung kanyang pipirmahan ang order na ito.

Pormal na ring nai-turn over ng NBI si Cassandrasa House of Representatives ngayong araw.

Tinanggap ni House Sergeant-at-arms retired Police Major General Napoleon Taas si Ong na mananatili sa detention facility ng Kamara matapos ipa-cite-for-contempt.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Si Ong ang itinuturing na isa sa legal representatives ng Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Siya rin ang sinasabing nag-recruit umano kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque upang maging legal counsel ng Whirlwind Corporation.

Inaasahang haharap si Ong sa pagdinig ng Quad Committee sa Miyerkoles sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa isyu ng umano’y criminal activities sangkot ang POGO, war on drugs campaign ng Duterte administration at extrajudicial killings.