Nilalaman ng kasunduan ng Comelec at PTFoMS hinggil sa mga pulitikong magbabanta sa media, nilalatag na

Target ng Presidential Task Force on Media Security na malagdaan agad ang isang kasunduan kasama ang Comelec na magtatakda na ang mga pagbabanta, pangha-harass at ibang uri ng karahasan mula sa mga pulitiko patungo sa mga tauhan ng media sa election period ay mga ‘election offenses.’

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PTFoMS Usec. Paul Gutierrez, sinabi nitong pinaplantsa na nila ang nilalaman ng memorandum of agreement.

Ayon kay Gutierrez, pupwedeng maharap sa kasong kriminal ang mga pulitikong mangha-harass sa mga tao sa media.

Maliban aniya rito, maaari ring mapagbawalan na itong tumakbo sa mga susunod na halalan.

Sa huli, binigyang-diin niya na may mga ulat sila hinggil sa mga pulitikong nagbabanta sa media dahil sa umano’y mga inilalabas ng mga itong balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *