CAMARINES NORTE – Nakiisa ang National Irrigation Administration ng Camarines Norte sa Nationwide Tree Planting Activity na ginanap sa Brgy. Colasi, Mercedes nitong huwebes July 13, 2023.
Ang aktibidad ay parte ng selebrasyon ng NIA’s 60th Founding Anniversary sa ilalim ng National Greening Program na may temang “Tao, Agrikultura at Kalikasan para sa Progresibong Kaunlaran”.
Ang naturang aktibidad ay matagumpay na nakapag tanim ng 300 punla ng mahogany sa Colasi CIS na pinangunahan ni Engr. Carol L. Ranola acting Manager ng NIA Camarines Norte, kasama ang mga empleyado ng nasabing ahensya, Irrigators Associations, DENR representatives at mga Brgy. opisyal sa naturang lugar.
Samantala, layon ng nasabing aktibidad na tumulong sa pangangalaga sa mga watersheds at pagaanin ang epekto ng climate change.
