Irrigation system sa Albay, nasa full operation na kaugnay ng El Niño advisory – NIA Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng National Irrigation Administration (NIA) Albay na nasa full operation na ang irrigation system sa lalawigan ngayon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NIA Albay Acting Chief Bernardita Balingasa, sinabi niya na nasa humigit-kumulang 80% na sila sa target na halos 10,000 ektaryang papatubigan at nasa 1,200 hectares na lamang ang hindi pa napapatubigan batay sa kanilang report ngayong buwan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon sa kanya, dahil nasa full operation na, mino-monitor na lamang nila ang regular na maintenance ng mga kanal upang ang tubig na inaasahang kokonti ay umabot man lang sa downstream ng irrigation systems.

Samantala, sa datos ng NIA Albay, mayroon nang 132 communal irrigation systems ang maaapektuhan ng El Nino at mga national irrigation systems sa Ligao City, Oas, Polangui at Libon, kung saan ang mga ito ay fully operational na rin at wala pa silang nakikitang area na hindi pa napapatubigan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Tanging ang mga irrigation systems lamang na nasa coastal areas ng lalawigan ang nakikitaan nila ng problema.