‘Parent-teen talk facilitator’s trainors and roll-out program’ ng POPCOM, isinagawa sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Isinagawa ang programang ‘Parent -Teen Talk Facilitator’s Trainors and Roll Out’ ng Commission on Population and Development (PopCom) sa Daraga, Albay.

Ito ay sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO) ng nabanggit na bayan, kung saan ito ay may tunguhing talakayin ang kahalagahan ng pagiging responsableng mga magulang para sa kapakanan ng mga anak.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ilan sa mga naging paksa ay ang pagpapaalala sa pagitan ng mga magulang at mga anak nito ang epektibong komunikasyon tungkol sa sexual at reproductive health.

Kasama na rin dito ang pagbibigay-diin sa tungkulin ng mga magulang sa paghulma ng kinabukasan ng kanilang mga anak.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga tauhan mula sa MHO, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Solo Parents, mga miyembro ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP), Local Youth Development Office (LYDO) at Youth for Arangkada Banwa Advocates (YABA).