NCR, classified na bilang “minimal risk” area ayon sa DOH

Inanunsyo ng Department of Health na maituturing na bilang “minimal risk” area ang National Capital Region (NCR), na naging epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naitala ang negative two-week growth rate habang ang average daily attack rate nito ay nasa .87 per 100,000 population.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Iginiit niya na maituturing na ang Metro Manila katulad ng mayorya ng mga rehiyon sa buong bansa.

Ipinunto ni Vergeire na 11 mula sa 17 localities sa NCR ang makokonsiderang “minimal risk” kabilang na ang Quezon City, Makati, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina, Malabon, Muntinlupa, Caloocan at Pateros.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Na-classify naman ang anim na iba pang localities sa rehiyon bilang “low risk” kabilang na ang San Juan, Las Piñas, Taguig, Pasay, Mandaluyong, at Pasig.