Demokrasya sa Pilipinas, ‘work in progress’ ayon kay Pangulong Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang “work in progress” ang demokrasya sa Pilipinas.

Pero sinabi ng Pangulo sa kaniyang intervention sa virtual Summit for Democracy na inorganisa ng U.S. na nanatiling malaya ang bansa.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ipinunto niya na bagamat kinokonsidera ang Pilipinas bilang “oldest democracy in Asia” ay hindi perpekto ang governance nito.

Ipinaliwanag niya na patuloy na nagiging hamon ang korapsyon, kahirapan, kapayapaan at kaayusan para sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na pinapahina ng mga ito ang mga institusyon at napagkakaitan rin ang maraming Pilipino ng democratic agencies.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Nangako naman ang Pangulo na bago matapos ang kaniyang termino sa 2022 ay isusulong ng kaniyang administrasyon ang mas maraming reporma.