NBI, nag-inspeksyon sa ilang e-sabong venues

Ininspeksyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang maraming online sabong o e-sabong venues bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon sa pagkawala ng maraming sabungeros.

Isinagawa ng NBI-National Capital Region (NCR) ang ocular inspection nito sa dalawang Lucky 8 Star Quest Inc. e-sabong venues na pag-aari ng gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Huling nakita ang ilang nawawalang mga sabungeros sa tatlong venues ng Lucky 8.

Inotorisa naman ng kompanya ang NBI na inspeksyunin ang Manila Arena mula sa entrance, sa staging area ng mga manok bago ito isabak sa torneyo, at sa bahagi ng arena kung saan ay nanunuod ng laban ang mga VIPs.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Nilibot rin ng mga otoridad ang parking lot, at sinilip ang mga ginamit na X-ray machines.

Balak rin sana ng NBI na tingnan ang CCTV cameras, ngunit na-install lamang ang mga ito noong dalawang linggo lamang ang nakararaan.