Power rate hike, posible dahil sa pag-angat ng presyo ng langis ayon sa Meralco

Nagbabala ang Meralco na posibleng sumipa ang presyo ng kuryente dahil sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga langis.

Ipinaliwanag ng Meralco na krudo ang ginagamit para sa pag-produce ng kuryente.

Sa kabila ng pagiging available ng krudo sa bansa, ay nadiditermina ang presyo nito ng dollar exchange rate, na maaring mag-fluctuate base sa kondisyon ng pandaigdigang merkado.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ang distribution charge sa electricity bill ang sumasalamin rito.

Sa ngayon ay wala pang final announcement ang Meralco kung magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kuryente.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Mababatid na nagkaroon ng big time oil price hike ang mga produktong petrolyo para sa ika-10 sunod na linggo ngayong 2022 sa gitna ng nagaganap na gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.