NBA: Alvin Gentry, hindi na babalik bilang coach ng Kings

Hindi na babalik si Alvin Gentry bilang coach ng Sacramento Kings.

Ang Kings ay nasa 24-41 sa ilalim ni Gentry na pumalit kay Luke Walton noong Nobyembre.

Matatandaan na sinibak ng Sacramento si Walton sa unang bahagi ng third season matapos ang 6-11 start.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Nagtapos naman ang Kings sa 30-52.

Ayon kay Sacramento general manager Monte McNair, mapalad ang buong organisasyon ng Kings sa ilalim ng liderato ni Gentry, on at off ng court.

Samantala, batay sa mga ulat, may mga early list ng mga kandidato na umano ang Kings na kinabibilangan nina dating NBA head coaches Mark Jackson, Mike Brown, Kenny Atkinson at Steve Clifford.

Read More:  Memphis Grizzlies remain undefeated with 5-0 start to NBA season

Mababatid na si Gentry na 67-taong gulang ay naging head coach muna ng Miami Heat (interim), Detroit Pistons, Los Angeles Clippers, Phoenix Suns at New Orleans Pelicans, at mayroon rin itong career record na 534-636. //MHEL PACIA-TRINIDAD