Higit 20 smugglers, protectors sa smuggling ng agri products, kasama sa intel list

Beneberipika na ng government intelligence agency ang listahan na naglalaman ng mahigit 20 katao na umano’y dawit sa large-scale smuggling ng agricultural products, kabilang na ang mga nagpo-protekta sa kanila sa gobyerno.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Kabilang nga sa listahan ang apat na mga high-profile smugglers na natanggap ni Senate President Vicente Sotto III mula sa whistleblower.

Una nito, ibinunyag ng senador ang mga pangalan at areas of operation sa pagdinig ng Senado, pero ito umano ay for validation pa.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Hinikayat naman ng mambabatas ang National Intelligence Coordinating Agency na madaliin na ang kanilang validation, sa pangambang makaboto pa, lalo na ang mga tinutukoy na protektor. //MHEL PACIA-TRINIDAD