Djokovic, gagamitin ang tough experiences para mas maging lakas ngayong season

Plano ni Novak Djokovic na gamitin ang kanyang mga challenging experiences na hinarap ngayong taon, dahil sa pagiging hindi bakunado laban sa COVID-19, bilang fuel sa natitirang season.

Ang pahayag ng world number one ay sa harap ng nakatakdang pagbabalik nito sa aksyon sa Monte Carlo.

Matatandaan na hindi nadepensahan ng 20-time Grand Slam champion ang kanyang Australian Open title noong Enero, matapos na madeport mula sa naturang bansa dahiil sa hindi pagiging bakunado.

Ayon kay Djokovic na naglaro ng tatlong matches ngayong taon na nangyari lahat sa Dubai, ay namiss na umano niyang lumaban.

Samantala, magsisimula na sa Lunes ang claycourt campaign ni Djokovic laban kay Spaniard Alejandro Davidovich Fokina sa Monte Carlo Masters. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *