Casual employee ng Brooke’s Point Palawan, nahulihan ng illegal drugs

Arestado ang 30-anyos na si alyas Pogi isang casual employee nang mahulian ng illegal drugs sa buy bust operation sa Poblacion District I, Brooke’s Point, Palawan nitong Miyerkules ng hapon, Ika-15 ng Mayo.

Nakuha sa suspek ang tatlong pakete na pinaghihinalaang shabu, paraphernalia at P1k na cash.

Kaugnay nito, aminado ang suspek na gumagamit siya noon ng droga habang itinanggi niya naman na kanya ang mga nakumpiskang ebidensya.

Samantala, nagpapalamig na sa kulungan ang suspek dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug act of 2002).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *