Pinasinungalingan ng NATO ang claim ng Russia na ini-atras na nito ang ilang tropa sa border ng Ukraine.
Sinabi ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg na walang senyales ng de-escalation sa lugar dahil nananatili ang malaking tropa nito na handang umatake sa Ukraine.

Tinukoy din ni Stoltenberg ang sitwasyon na pinakaseryosong security crisis sa Europa simula nang magtapos ang Cold War.
Dagdag pa ng opisyal na ang kanyang pahayag ay kahit pa hindi ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin ang pag-atake dahil sa ilang mga sensyales.
Mariin naman itong itinanggi ng Russia kasabay ng pahayag na umalis na sa lugar ang malaking bilang ng kanilang tropa dahil ltapos na ang military drills.