Umakyat na sa 78 ang bilang ng mga nasawi sa flashflood at landslides sa Petropolis City Brazil.
Ayon sa report, doble-kayod ang mga rescuers sa pagbabakasakaling mayroon pang survivor sa putik na bumalot sa lugar kasunod ng walang humpay na pag-ulan.

Dahil sa pahirapan ng paghuhukay sa makapal na putik, nangangamba ang ilan na mas tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.
Matatandaan na ilang mapaminsalang bagyo na ang tumama sa Brazil sa nakalipas na tatlong buwan na tinatawag ng ilang eksperto na bunga ng climate change.
Sa inisyal na ulat ay nasa 21 na tao na ang na-rescue nang buhay habang tuloy ang operasyon gamit ang mga sniffing dogs, excavators at helicopter sa pagbabakasakaling may mga survivors pa.
Samantala, nananatili naman sa mga evacuation centers ang daan-daang apektadong residente