Nasawi dahil sa Covid-19 sa Sorsogon, umabot na sa 172

SORSOGON CITY – Sa huling tala, sumampa na sa 172 ang bilang ng nasawi dahil sa naturang sakit sa lalawigan, matapos na maitala ang tatlong adisyunal na fatalities.

Kinabibilangan ito ng 28-anyos na lalaking pasyente mula sa Poblacion, Bacon District sa lungsod ng Sorsogon, 69-anyos na lolo mula sa Brgy Paradijon sa bayan ng GUbat at ang 32-anyos na lalaki mula sa Brgy San Isidro sa bayan ng Donsol.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Bahagyang tumaas naman ang bilang ng aktibong kaso na nasa 145 na makaraang madagdagan ito ng 26 na kaso.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa kabuuan sumampa na sa 2,987 ang nahawaan ng nasabing sakit habang 2,670 naman ang naitalang total recoveries.