NAGA CITY- Aaarangkada ang NagaVax Express , inaaasahan ang pagdating ng 6,000 single shot Janssen vaccine bukas Hulyo 22, 2021.
Ang mga babakunahan ay kasama sa A1.6 ang mga student Clerks and Interns Ongoing Duty sa Hospitals at mga Personnel and Staff ng Higher Education Institution Clinics and Hospitals, A1.8 o mga Overseas Filipino Worker na made-deploy na sa susunod na apat na buwan, A2 o Senior Citizens at A3 o with Comorbidity.
Kailangan nakapagparehistro na manual o online. Bukas ang pagrehistro hanggang ngayong araw na lamang Hulyo 21, 2021 sa Biyernes Hulyo 23 hanggang sa araw ng Sabado Hulyo 24 ang pagbabakuna.
Inihayag sa isang press conference ni Naga City Mayor Nelson Legacion, upang mas mapabilis pa ang pagbabakuna may limang itinalagang vaccination sites para rito; Carolina Elementary School, Camarines Sur National High School, Holy Rosary Major Seminary, Jesse M. Robredo Coliseum at University of Nueva Caceres.
Ayon kay Raffy Magno ng Office of the Vice President, dito mapapatunayan sa National Government na kaya ng Naga na makapagbakuna ng maramihan sa maikling panahon basta’t may supply ng bakuna.
Ibinahagi rin nito na marami ang tumugon sa panawagan ni VP Leni Robredo na mag volunteer upang magbakuna, ilang oras pa lamang aniya mahigit 100 nang doktor at mga nurse ang nangako, dahil dito tiwala ang LGU at OVP na matatapos ang vaccination roll out ng unang batch ng Janssen sa loob ng dalawang araw.