NAGA CITY- Matapos ang mahigit isang taon, nagbabalik na sa kalsada ang Raymond Bus na biyaheng Manila- Naga at vice versa.
Alas-5 ng hapon ang alis sa Parañaque Integrated Terminal (PITX) , 5:30 naman sa Bicol Central Station sa Naga City sa pamasaheng P757.00. Madaragdagan pa ang trip schedule depende sa bilang ng mga pasahero sa mga susunod na araw.
Sa mga papunta sa Naga dapat may maipipresentang Identification Card, Trip Ticket, Negative COVID-19 Test Result (sa loob ng 48 oras bago sumakay) para exempted sa 14 days quarantine. Kung wala nito , Negative Rapid Antigen Test result na lamang subalit dapat mag quarantine, pitong araw kung sa ikapitong araw mula nang dumatig ay mag negative muli sa test.
Sa mga paalis sa Naga naman, Identification Card, Trip Ticket at Negative COVID-19 Test Result.
Ang mga papunta sa Camarines Sur ay alamin din kung ano ang hinihingi ang kanilang LGU.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Terminal Manager Nonoy Reforsado , noong iisang bus company pa lamang ang bumibiyahe, nasusunod ng terminal, bus company at pasahero ang health protocols ng DOH at mga pinapasunod ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Hagad pa rin ni Reforsado ang kooperasyon upang hindi matigil ang operasyon ng terminal.