Inihayag ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na matagumpay ang rover Perseverance sa pagkolekta ng mga rock samples mula sa planetang Mars.
Ayon sa NASA ang nakuha nilang sample ng bato ay mas malapad umano kaysa sa isang lapis mula sa Martian lakebed. Sa Jet Propulsion Labarotory (JPL) naman nag mula ang pag operate ng misyon at ang mga tools na ginamit dito.
Pahayag ng space agency, kinumpirma ng NASA noong Sept 1 ang markadong unang mineral sample na nakuha sa iba pang ng planeta. Itinuring naman itong “momentous achievement ng NASA chief at former astronaut Bill Nelson.
Kasunod nito ang plano ng space agency na mangulekta ng 42 mineral samples sa mga susunod na buwan mula sa Jerozo Crater. Ang six-wheeled, SUV sized ay inaasahang galugarin ang mga pader ng sediment deposited sa natitirang river delta.
Kaugnay nito ang dalawang mission sa Mars na magkasamang isasagawa ng NASA at European Space Agency, ay planong kunin ang mga specimens sa susunod na dekado at maibalik ito mula sa earth. Ang nasabing mineral collection ay nag kakahalaga ng 2.7B dollars ng Perseverance project.
Ang panglima at most sophisticated ng rover NASA ay naipadala sa Mars at dumating noong 1997 na nag land sa Jerezo Crater matapos ang mahigit 293M mile flight mula sa Earth. (VANESSA FERNANDEZ – BRIGADA INTERN)
