Nararanasang ulan sa Presentacion, Camarines Sur, dulot ng Bagyong Aghon, normal pa; task force personnel at mga barangay, pinapaging alerto pa rin!

NAGA CITY – Normal pa ang sitwasyon at hindi pa gaanong malakas ang nararanasang pag-uulan sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur, dulot ng Bagyong Aghon, maging related incidents wala pa namang naitatala.

Ito ang napag-alaman kay PCAPT Mark Spaña, Deputy Chief of Police ng Municipal Police Station ng bayan, base na rin sa kanilang pagmonitor at pag-activate ng Lokal na Pamahalaan sa task force personnels, emergency center, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Fire Station, mga barangay at ilan pang opisina, bilang paghahanda at pagpapa-alerto sa mga posibleng mangyari.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Inihanda na rin ang lahat ng mga gagamitin sa mga rescue operations, evacuation center, kung sakali man na lumakas pa ang bagyo. Minomonitor na rin ang mga nasa  coastal areas lalo na bawal nang maglayag, na prone din sa baha tulad ng Barangay Baliguian, Bitaogan, Bulalacao, Liwacsa, ganun din ang mga prone sa landslide simula sa Barangay Buenavista hanggang Bicalen.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon pa sa opisyal, 25 mga personahe mula sa kanilang opisina, deniploy na bilang katuwang ng MDRRMO, nakipag-ugnayan na rin sa 4th District ng Department of Public Works and Highways bilang paghahanda sakali mang magkaroon ng landslide upang madali ang paghingi ng assistensya para na rin sa kaligtasan ng bawat biyaherong dadaan sa naturang bayan.