Pag-uulan, malaking karagdagan sa supply ng tubig sa Sipocot, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Malaking tulong sa bayan ng Sipocot sa Camarines Sur ang pag-uulan na nararanasan ngayon sa kabikulan.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dan Rivero, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head sa Sipocot. Magkailang reklamo na rin kasi ang naipaabot sa BNFM Naga tungkol sa kakulangan o di kaya’y kawalan ng supply sa tubig. Anya, kahit na nga umulan ng tatlong magkakasunod na araw, wawla silang inaasahan na pagguho ng mga lupa dahil sa sobrang tagtuyot na naranasan noong mga nagdaang buwan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu
Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nauna nang sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Bicol na mas malakas ang ulan na mararanasan ngayong araw sa probinsya kumpara sa hangin. Inabisuhan na rin ang publiko na mag-ingat atr manatiling nakatutuktok sa mga panibagong ulat ng panahon.