Nahuling driver ng ambulansya na dumaan sa EDSA Busway, naglabas ng baril at nagpanggap na sundalo

Isang driver ng ambulansya ang nagpanggap na sundalo at naglabas ng baril matapos mahuling pumasok sa EDSA busway, kahit wala naman itong emergency.

Naganap ang pagtatalo sa southbound lane ng Roosevelt station matapos subukang sitahin ng mga awtoridad ang driver dahil sa iligal na pagdaan sa EDSA busway.

Sa halip na sumunod, nagpakilalang sundalo ang driver, naglabas ng baril, at inilagay ito sa tabi upang makita ng mga awtoridad.

Nabahala rin ang enforcer nang tanungin ng nagpapanggap na sundalo ang oras ng duty nito, na tila may ibang intensyon.

Matapos bigyan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) ang driver, agad na ginawa ng mga awtoridad ang spot report ukol sa insidente.