RHU- Dumaran Palawan, inakusahan ng kapabayaan sa nasawing SK kagawad

Inakusahan ng pamilyang Azucena ng Brgy. Tanatanaon, Dumaran Palawan ng kapabayaan ang Rural Health Unit sa pagkamatay ni SK Kagawad na si Iver John Azucena ang 17-anyos. Ayon sa ina ng pasyente na si Mrs. Gelyn Azucena, walang katotohanan na kinulit ng kanyang panganay na anak ang doktor ng RHU para pabalikin na sa kanilang kwarters si Iver John, sumali kasi ang binata sa kompetisyon bago ang aksidente. Ang binata ay isinugod sa RHU matapos na makatulog at mahulog sa Granstand ng munisipyo at inobserbahan ng ilang oras at binigyan lang ng pain reliever. Dagdag pa nito, sa RHU pa lamang umano ay sumusuka na ang pasyente ngunit pinalabas pa rin ito ng doktor bago lumala ang kalagayan. Kaugnay nito, kinontra ng pamilya ang naging pahayag na RHU na wala silang pagkukulang sa nangyari. Samantala, tinawagan ng Brigada ang RHU-Dumaran ngunit ayaw nitong magpa-interview.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *