DOH Bicol, pinabulaan ang mga ‘myth’ o mga maling paniniwala tungkol sa sakit na Dengue

BNFM Bicol-PINABULAANAN ngayon ng Department of Health o DOH Bicol ang mga maling paniniwala ng publliko hinggil sa sakit na dengue ngayong Dengue Awareness Month.

Una na rito ang paniniwala na kailangang umiwas sa taong may dengue baka mahawa ka nila, ngunit ayon sa DOH na nahahawa lamang ang isang tao kung ito ay makakagat ng Aedes mosquito, isang babaeng infeted ng dengue.

Tanging sa kagat lamang ng lamok nahahawa ng Dengue at hindi sa bahing at laway ng tao.

Pangalawa rito, ang paniniwala na kumakagat lamang ang dengue tuwing gabi, ayon sa DOH, ang mga oras na kung saan ay aktibong kumagat ang isang lamok na infected ay sa mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw.

Pangatlong paniniwala na tanging maruruming tubig at kapaligiran lamang ang pinangingitlogan at pinamumugaran ngg mga lamok na may Dengue, sagot ng DOH rito sa mga stagnant o hindi gumagalaw  na tubig kahit pa ito ay malinis at malinaw.

Kaugnay nito paalala ng DOH Bicol na agad na sumangguni sa mga health care provider kapag nakaramdam ng sintomas ng dengue. ### Pauline Manga, Intern

Photo From Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *