Cong. Garbin pinatsudahan ang umanoy “Red tape at Ghost employee” sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Muling pinatutsadahan ni Cong Alfredo “Pido” Garbin, AKB Party-list Representative at tumatakbong sa pagka-alkalde ng legazpi City ang kanyang kalaban sa politika patungkol sa umano’y “Red tape at Ghost employee” sa lokal na Pamahalaan.

Ayon kay Garbin, uunahin nito na maalis ang kalakaran sa loob ng City Government ng legazpi na tumatagal ang mga dokumento, dapat sanay ito ay mabilis sa pagpoproseso.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Aniya, ito kasi ang maaari umanong pagmulan ng corruption kapag nagpatuloy ang mga gawaing ito.

Maliban pa rito, aalisin rin umano nito ang mga ghost employee at papalitan nito ang mga karapat dapat na empleyado na magtatrabaho sa lokal na Pamahalaan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ngayon ay susubukan ng Brigada News Fm Legazpi na makuha ang kapaliwanagan ni Mayor Noel Rosal tungkol sa mga issue na binabato sa kanya.