Pagbili ng christmas decorations maaari ng i-check sa ICC Verification System-DTI Bicol

LEGAZPI CITY – Patuloy naman ang pagmomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol sa mga kagamitan na binibili sa malls at public market tulad ng mga Christmas decorations kung ito ay dekalidad.

Ayon kay Rodrigo Aguilar ang Regional Director ng nasabing tanggapan, maaari ng malaman ng mga consumers o mamimili ang mga Christmas decorations kung ito ay original sa pamamagitan ng pagdownload ng ICC Verification Application system.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aniya, matutukoy na rin dito ng mga consumers kung ito ay rehistrado, peke o substandard na produkto ang itinitinda sa mga malls.

Binigyan diin nito wala pa naman silang natatanggap na reports o reklamo mula sa consumers.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sinabi ng opisyal, nakatutok na ang ahensya sa mga mall at public market sa pagmomonitor ng quality standards ng mga decorations habang ang mga nagtitinda sa mga bangketa ay hindi nila ito saklaw at ito ay nasa local government unit ang humahawak pagdating sa monitoring ng kanilang itinitinda.