LEGAZPI CITY – Laking pasasalamat ngayon ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) na ipinamahagi ng isang Senador na 5K sets na PPE 50 tsinelas at 4K KN95 na facemask at marami pang iba.
Pinangunahan ni Dr Eric Raborar, Sen Win Gatchalian at iba pang opisyal ng BRTTH ang ginawang turn over ceremony ng mg nabanggit na gamit bilang proteksyon ng mga medical frontliner sa ospital.
Ayon kay Raborar, makakatulong din ang mga ipinamahagi ng nasabing kagamitan sa ospital dahil sa mapoprotektahan ang mga pasyente at nurses o mga nag-aalaga sa mga pasyente sa ospital na may covid patient. Makakatipid na rin ang nabanggit na ospital dahil sa may kamahalan rin ang pagbili ng gamit laban sa naturang sakit.
Umaabot umano sa 5K ang isang set ng PPE’s kung saan bawat suot nito ay agad ito itinatapon upang maiwasan rin na mahawa o magkaroon ng covid 19 ang mga frontliner sa ospital. Sinabi ng opisyal, sasapat sa ngayon ang ibinigay na gamit para 26 na medical frontliner na mag aalagang covid 19 patient.